Sunday, July 31, 2011

Kapuso stars mobbed by fans in Bohol

Bohol Kapuso Night mobbed by fans

Pinagkaguluhan ang ilang Kapuso stars sa Sandugo Streetdancing Competition (July 31) sa lalawigan sa Bohol.

Sa parada pa lamang ay hindi na mapipigilan ng mga fan na masulpayan ang kanilang paboritong Kapuso stars.


Jam-packed ang venue ng Kapuso Night na naging bahagi na ng Sandugo Festival taun-taon.

Humigit kumulang 10,000 ang dumagsa sa CPG Sports Complex kagabi (July 31) pagkatapos ng streetdancing competition.

Bago pa man magtanghal ang mga pinakaabangang artista, nagkaroon muna ng mga games at papremyo na sinalihan ng mga taga-Bohol.


Hosts sa programa sila Bb. Pilipinas World 2006 Anna Maris Igpit na dating Miss Bohol Sandugo 2006 at Yuri.

Nagpasaya sina MoyMoy Palaboy sa kanilang mga awitin at sumabay pa ang mga audience sa pagkanta.


Hataw na hataw naman sa pagperform si Gretchen Espina ng Sinner or Saint.



Nagpakitang gilas naman sa sayawan ang cast ng bagong primetime teleserye na Futbolilits na sina Julian Trono at Renz Valerio at bumirit naman si Yogo Singh.


Pinakilig naman ni Daniel Matsuga ang mga manonood sa kanyang song number.

Nandun din si Paolo Contis.

Giliw na giliw naman ang mga manonood kay Jillian Ward na cute na cute sa kanyang attire. Kahit nakalimutan niya ang lyrics ng kanta ay tuloy pa rin ito sa pagbirit at nagpacute pa.


Kumanta at sexyng sexy si Katrina Halili na siyang inaabangan ng lahat.